SONA
Sunday, July 25, 2010Una nang napabalita na umabot daw sa 30 pages ang unang draft ng SONA ni PNoy. Pero ngayon, ito ay binawasan at naging 15 pages na lang daw at maaring tumagal ng 30 minutes. Kaagad naman pinabulaan ni Erwin Lacierda na naawa sila sa dating Pangulo na ngayon ay Congresswoman GMA kaya umigsi ang speech.
Nakakuha naman ng unofficial na kopya ng unang pahina ng speech para sa SONA ang aming chikadora na nagpapanggap na manikurista ni Bambi Fuentes. Ilalabas na ng Baliw Balita exclusive…Promise!
1.) “Before I start with my speech, I would like to inform everyone that I am wearing Paul Cabral today. I also would like to thank Liz Uy for making me fresh and Dra. Vicky Belo for keeping me young.”
2.) “I just want to say na whatever decision I have come to, it’s not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi ko na “ayaw ko na!” Matagal naming sinubukan. James and I both tried to make this work.”
3.) “Dahil kayo po ang aking boss, pagbibigyan ko po ang inyong kahilingan na ako ay mag-sampol. DJ MOD isa ngang Estudyante Blues!”
4.) “First, I would like to thank Kuya Noy for allowing me to talk about the state of my marriage with James Yap.”
5.) “Before I start my speech, saan ba ang smoking section dito?”
6.) “Gusto ko pong ipaalam sa lahat na kahit gaano ko po kamahal si Shalani, hinding-hindi po ako magpro-propose sa Wowowee.”
7.) “Mr. President, nakikinig po ang publiko sa inyo ngayon. Ito po ang magic mirror, what would you want to say to Filipino people? Before you answer that, magbabalik po ang “The Buzz!”"
8.) “Sinisigurado po namin na napaka-secure ng lugar na ito ngayon dahil napatupad po ang No ID, No Entry at lahat po tayo ay kinapkapan ng mga security guard. Pasalamatan po natin ang lider ng mga security guard, Congressman Mikey Arroyo!”
9.) “Team Carandang and Team Coloma please step forward. In my hands, I hold the speech I will read in today’s SONA. One of you will be declared the winner, the other must pack their bags and go back to Malacañan.”
10.) “Eto po ang listahan ng mga makakatanggap ng pork barrel. Depende po sa lakas ng inyong palakpak nakasalalay ang inyong budget!”
11.) “Mar, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.”
12.) “Nakaligo na ba kayo sa dagat ng basura? Nag-pasko na ba kayo sa gitna ng kalsada? ‘Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa sa amin?”
13.) “President Noynoy. Sinabi mo noong inauguration mo na “Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.” Ang tanong ko lang naman eh, naniniwala ba kayo na nagnakaw si PGMA noong siya ay namumuno? Don’t Lie To Me, Mr. President at nakahanda ang back-up dancers ko.”
Kinumpirma ni Chavit Singson na ang kanyang anak na si Rep. Ronald Singson ay naaresto at nakakulong sa Hong Kong dahil sa illegal na droga. Kaagad naman na dineny ni Chavit na tumatakbong “Mayor” ang kanyang anak sa presinto.
Hindi raw sisipot sa SONA ang dating Pangulo at ngayon at Congresswoman na si Gloria Arroyo. Ayon sa chikadorang driver ng mga Arroyo, di na raw kailangan ni GMA sa Lunes dahil ayaw na raw na maalala ni GMA ang mga masasayang sandali sa Malacañan. Baka raw kasi ma-miss niya.
Aalis daw si CGMA at Mike Arroyo papuntang Hong Kong dahil kailangan daw ni Mike Arroyo ipagamot ang kanyang aneurysm. In short, magpapalamig lang muna sila.

Wa-PAC-Man!!!
Monday, November 16, 2009Nakuha ng People’s Champ na si Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang ika-7 korona nang mapatumba nito ang reigning welterweight king na si Miguel Cotto. Dahil dito, gumawa na naman ng kasaysayan si Pacman sa boxing. Ayon sa aming chikadorang nagbebenta ng popcorn sa laban ni Manny at Cotto, naghahanda na raw si Pacman sa kanyang susunod at tinuturing na pinakamahirap na laban. Narito ang pagpapalitan ng text ng aming chikadora with Manny Pacquiao:
Chikadora (C): Manny, may susunod ka na bang laban after this?
Manny (M): Oo, actually natatakot at kinakabahan. Dahil medyo malakas ang kalaban.
C: Talaga? Si Floyd Mayweather ba ito?
M: Hindi!
C: Huh? si Governor Dominguez ba ito na maari mong makalaban bilang Congressman sa Sarangani sa 2010?
M: Hindi!
C: Ha? Eh, sino nga?
M: Si Jinky! Nabasa niya kasi yung shoutout ni Gina Alajar sa Facebook tungkol sa amin ni Krista. Eh, sinabi ko na nga sa kanya noon promo lang yun nung Wapakman. Baka i-knockout ako mamaya ni Jinky. Takot ako!
Pasok na nga sa kasaysayan ng boxing ang huling panalo ni Manny “Pacman” Pacquiao nang ma-TKO niya si Miguel Cotto. Pero may iilan na taga-suporta ni Miguel Cotto ang gustong i-protesta ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao. Narinig daw kasi nila diumano sa ilang coaching staff ni Manny na gumamit daw si Pacman ng performance enhancing drug kaya ito nanalo. Nang tanungin ng aming chikadorang nagbebenta ng hotdog ang mga taga-suporta ni Cotto kung ano ang kanilang narinig at ito ang sinabi nila:
Taga-Support ni Cotto (translated): Narinig kasi namin, gumamit daw si Manny kaya raw hindi gaanong nakalaban at nakaporma ang Cotto at lagi itong lumalayo kay Manny. Dinig na dinig namin na gumamit daw si Manny ng Head&Shoulders with Zinc yun daw kasi ang panlaban sa matinding Cotto.
May matinding Pacquiao showdown daw ang magaganap pagtapos ng Pacman-Cotto fight. Nagkakamali kayo kung ang iniisip niyo at Pacquiao-Mayweather. Ang susunod na showdown ay Pacquiao-Papin Live in Las Vegas! Get your tickets today!
Ayon sa mga balita, marami raw ang tumaya para kay Pacman bago ang laban kay Cotto kaya marami rin ang nanalo. Nope, hindi ito yung mga tumaya online at sa Las Vegas, yung mga sponsors ang nanalo dahil umabot ng 12 rounds! Ang laki ng Ricoa sa puwet ni Manny! Everybody happy!
Pagkatapos ng laban ni Pacman sa Las Vegas, maraming Pilipino ang nag-react sa kanyang laban. Eto ang iilan sa mga shoutouts ng ilang celebrities:
Dineny ng Commission on Elections (COMELEC) ang party-list accreditation ng grupong Ladlad dahil magiging masamang impluwensya nito sa kabataan. Nang tanungin ng aming chikadora kung sa papaanong paraan naging imoral ang grupo ang tanging sagot ng COMELEC ay:
COMELEC: Wit ko na bet ispluk ang chikang iyan! Dedma na, te! Basta isa silang malaking X-men!
Ang Commercial ni Noynoy
Friday, October 30, 2009Noynoy’s Political Ad: Hindi Ka Nag-Iisa
Nakita niyo na ba ang latest na political ad ni Noynoy?! Bongga ang pagkakagawa ng MTV dahil sa dami ng artista at hindi maiiwasan na isipin…hindi ba ito bagong teleserye ng ABS-CBN? Biruin mo may theme song na inawit ng Asia’s Songbird Regine Velasquez, may setting, cool ang cinematography, at may pass the light effect. Lumipat na ba si Marian at Dingdong at kung lumipat man sila paano na si Karylle? Nasaan si Papa Piolo? Bakit si Bea Alonzo lang at nasaan si Sam at si John Lloyd? Si Kuya Boy ba talaga yun or si Bhoy ng NNNN?
Okay, so na-establish na natin na ito na ang pinaka-engrande at pinaka-bonggang political ad na nakita natin para sa 2010 elections at sana lang huwag lang gumaya si Noynoy kay Chiz pagkatapos i-launch itong commercial na ito. Magandang panimula para sa kampanya ni Noynoy ang “Hindi Ka Nag-Iisa” dahil unang-una hindi siya nanira o hindi niya tinira ang ibang mga nangangampanya. Pangalawa, maganda ang mensahe ng MTV kung saan tinatawag nito ang call for unity for a positive change at kung magtutulungan daw tayo ay hindi tayo mag-iisa. Bongga!
I’m sure patikim lang itong commercial na ito at marami pang susunod na mga commercial tungkol kay Noynoy ang lalabas. Kung ako ang tatanungin, gusto ko next level na ang commercial. Ayaw ko na siguro makakita ng artista sa susunod na mga commercial. Gusto ko sigurong marining ang mga sumusunod:
1) Ang mga long term and short term plans niya para Pilipinas
2) Ano ang gagawin niya para ma-mobilize ang mga Pilipino tungo sa positive change na hinahangad niya?
3) Mga plano para panagutin ang mga kurakot sa pamahalaan
Ang ayaw ko na marinig sa susunod niyang mga commercial:
1) Mas malaking suweldo
2) Mas maraming trabaho
3) Wala nang trapik
4) Mas maraming paaralan
5) In short, mga pangakong napangako na ng ibang pulitiko na napako na.
Ikaw, ano ang gusto mong makita o ayaw mo makita sa susunod na mga political ads? Mag-react na! Now na!
Mar and Korina’s Wedding, Jerry Maguire ala Enrile, WowoManny, ATBP.
Tuesday, October 13, 2009Tipid Wedding (Ep.1)
Sen. Mar Roxas and the love of his life Korina Sanchez promises that it will be a simple wedding. The couple has decided to the donate to victims of Ondoy and Pepeng. The couple has cancelled the reception and has opted to use a padyak as their mode of transportation to the church.
Tipid Wedding (Ep.2)
Kris Aquino, whom Korina Sanchez still has tampo with, promises to still make the Mar and Korina wedding special. Aside from allowing Baby James to be part of the couple’s entourage, Kris has called on Goldilocks to donate a wedding cake, Coca-Cola for the refreshments, San-San for Korina’s Make-up, McDonald’s for the food, Dr. Vivian Sarabia for Mar’s eyewear, Joy Lim of Charms and Crystals for luck, and all those who will attend the wedding will receive goodies from Maggi Magic Sarap, Bench Scents, Casino Rubbing Alcohol, and a copy of the Kris Aquino Magazine and a We Are 1 DVD na nagplatinum na. Libre na rin ang pagkanta ng mga Kapamilya Star Magic Artists. Bonggang-bongga!
Tipid Wedding (Ep.3)
Our second-rate, trying-hard PBB reject auditionee and chikadora received an unreliable tsismis as to why Mar and Korina have decided to cancel the reception. According to unreliable sources of our chikadora, this was the only way to ensure Korina that RG Cruz will stay away from the buffet table.
Jerry Maguire: The Enrile Version
Senate President Juan Ponce- Enrile said that they will only grant the P12 billion supplemental budget if the government could prove the fund is available. Ombudsman Merceditas Gutierrez is reportedly drafting a long memo on how Sen. Enrile can avail of the budget information.
It is reported that Sen. Manny Villar and Willie Revillame produced an early Christmas concert Dasmarinas National High school in Cavite and format is similar to the noontime TV show “Wowowee.”
Our chicklet (maliit na chikadora) asked Sen. Manny Villar on why he decided to produce a show with Willie:
Manny Villar: “Kung magdesisyon si Willie na tumakbo sa Q.C.and if we don’t win this 2010, at least mayroon nang qualified na pumalit sa kanya sa Wowowee dahil marunong na akong mag-host.Gusto mo ng sample ng giling-giling?”
Ang Gulay…Bow! (Ep. 1)
Agriculture Secretary Arthur Yap said that vegetables is unable to reach Metro Manila due to the devastation of Pepeng in Northern Luzon and Central Luzon. Prices have increased five times of its original cost. The Department of Agriculture is trying to source vegetables from Visayas and Mindanao. Meanwhile, in an unreliable news report by our tambay na chikadora sa labas ng Malacañang, the government is also trying to source the best steaks in New York just in case magka-ubusan ng gulay sa Metro Manila.
Ang Gulay…Bow! (Ep. 2)
Baliw Balita has received unconfired and hindi mapagkakatiwaan na press release that the Department of Agriculture has warned the group PETA (People for the Ehical Treatment of Animals) to refrain using vegetables during protests and advertisments until everything is back to normal.
Monthly Archives
Sponsored Links
Tag Cloud
Top Blogs
Tanungan Time!
NetworkedBlogs
Links
Latest Comments
Message Board
There are currently no entries




















