BALIW BALITA!

Easter Egg Hunt

Sunday, April 4, 2010


 

Ipagpapaliban daw muna ng Lakas-Kampi-CMD ang nationwide easter egg hunt. Abala raw kasi ang naturang partido sa paghahanap sa mga unti-unting mga nawawalang mga miyembro. 

 

 

Isang malaking easter egg hunt ang pinaplano ng partido Liberal para sa taon na ito. Pinaniniwalaan na ang naturang event ay dadaluhan ng maraming artista na may dalang mga sulo sa pangunguna nila Marian Rivera,  Dingdong Dantes, at Kris Aquino.

 

Ipinagyabang naman ni Vice Presidential candidate Jejomar Binay na kung ngayon lang daw nag-uumpisa ang ibang mga kandidato sa egg hunting ay matagal na raw niya itong ginagawa sa Makati. 

 

Hirit #1

Sa hanay ng Nacionalista Party, pangungunahan daw ni Manny Villar ang egg hunting event. Nangako naman si Adel Tamano, Gilbert Remulla, at Alan Peter Cayetano na dodoblehin nila ang itlog na makukuha ni Villar. 

Hirit #2 

Napapabalitang nahirapan daw si Manny Villar na kumuha ng mga participants para sa kanilang egg hunting activity. Ayon kasi sa aming matagal na naligaw na chikadora, itinago raw kasi ang mga itlog sa dagat ng basura. 

 

Nahirapan daw mag-organize si Jamby Madrigal ng easter egg hunt. Dahil sa bukod sa hindi siya kumakain ng itlog, hindi rin niya alam ang presyo ng itlog sa merkado. 

 

Sa hanay naman ni Dick Gordon, napapaulat na hindi raw itlog ang itinago kung hindi sangkatutak na “Kindle”. 

  

Nag-volunteer naman ang anak ni PGMA na si Mikey Arroyo na maging head ng “security” sa lahat ng egg hunting activities. 

 

Nadismaya si dating Pangulong Joseph Estrada nang sumali siya sa easter egg hunt. Akala niya kasi ang Easter Bunny ay dating miyembro ng Playboy Bunnies. 

 

Tinawag naman ng COMELEC na imoral ang Easter Bunny dahil pinapalagap daw nito ang imoralidad dahil ang egg hunting event daw “exposes our youth to the environment that does not conform to the teachings of our faith.” Sinabi rin ng COMELEC na, “As an agency of the government, ours too is the State’s avowed duty under Section 13, Article II of the Constitution to protect our youth from moral and spiritual degradation,”

Posted by baliwbalita at 4:18 pm | permalink | comments[1]

FEDERASYON

Monday, November 23, 2009

   

Nagsanib na nga ng puwersa si Manny Villar and Loren Legarda para maging Presidente at Bise-Presidente ng bansa. Sabi pa ng dalawa, magkasundo raw ang kanilang mga platporma, ang mga pangarap sa bayan, at karanasan sa pulitika: gusto nilang i-ahon ang bayan mula sa kahirapan, gusto nilang iligtas ang kalikasan, at pareho silang ayaw ni Sen. Chiz Escudero. 

   

Matatandaan na isa si Loren Legarda sa mga nagpa-imbestiga kay Manny Villar dahil anomalya sa C5 Extension Project. Nang tanungin ng aming chikadorang nagbebenta ng balut sa subdivision ni Loren kung totoong tatanggap ng malaking perang pinansyal si Loren Legarda para sa kanyang matamis na OO, eto ang kasagutan niya:

Loren Legarda: Ang aming pagsasama ay alyansa ng plataporma. Hindi pera-pera. Kung mayroong makinarya at organisasyon yan ay tutulong sa akin. Siyempre ako ay umaasa sa mga traditional donors, kaibigan, supporters, na tumutulong sa akin. Kung tulungan niya ako, salamat. At sigurado naman na tutulungan niya ako. At kung gustong mag-donate sa akin ni Manny Villar ng bahay at lupa sa may Daang Hari, bakit hindi ko naman tatanggapin di ba?

   

Nainis naman si Jamby Madrigal sa PAG-ASA kung bakit hindi nila na-predict na magbabago ng ihip ng hangin si Loren Legarda. Sabi naman ng PAG-ASA, weather-weather lang po yan.

   

Sinabi ni COMELEC Commissioner Nicodemus Ferrer na maraming bakla at lesbiana sa Kongreso, sa Senado, sa military, pati grupo ng mga relihiyoso. Hiningi naman ng aming chikadorang naglilinis sa House of Representatives kay Speaker Prospero Nograles ang reaksyon nito ukol sa sinabi ni Commissioner Ferrer:

Speaker Prospero Nograles:
Ang pakiramdam ko nagbibiro lang naman si Sister Ferrer. Witchelles ko knows kung may mga badessa mae, mga pa-mhinta, at mga tiburcia. At kung knows ko man kung sinech sila, wit ko na ispluk ever at wit ko matsugi ang career ko, girl.

   

Ayon naman sa kaugnay na balita, magpapasa raw ng resolusyon ang Kongreso at Senado na magbabawal sa pagpapagawa ng “closet” sa lahat ng institusyon ng gobyerno. Ito raw ang nakikitang paraan ng mga Kongresista at mga Senador para maiwasan ang isyu na over-represented na ang mga Kongresista at mga Senador na bading.

  

Umalis na nga si Sergio Osmeña III sa partido ng Liberal Party o LP. Ang sabi pa ni Serge Osmeña III, “I’m going to be a people’s watchdog. I will not allow myself to be allied with any group”. Samantala, nag-react naman si Sen. Chiz Escudero ukol sa naging pahayag ni Osmeña:

Sen. Chiz Escudero: “Linya ko yan, eh! Hu! Hu! Hu!”

   

May mga bali-balita na hindi raw si Ralph Recto ang tunay na dahilan kung bakit umalis si Serge Osmeña sa LP. Ayon sa unconfirmed at unreliable source ng aming chikadora, kaya raw umalis si Osmeña ay dahil miyembro raw ito ng GANAP o ang Grand Alliance for Nora Aunor Philippines.

   

Ang dating undersecretary ng Department of Agriculture na si Jocelyn “Jocjoc” Bolante ay na-imbyerna sa broadcaster na si Korina Sanchez- Roxas. Pinagsabihan ni Jocjoc si Korina na dapat hindi na ito makialam
sa politika sa Capiz and stop acting like a “queen” of Capiz. Samantala, isang malakas na tawa ng lalake ang narinig at dumagundong sa may compound ng ABS-CBN. Napabalitang nagmula raw ito sa may newsroom ng ABS-CBN.

   

Hindi pa sigurado ang pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao kung anong partido ang sasalihan niya sa darating na halalan. Napabalitang nalilito pa si Pacman at napilitan na i-kanta ang kanyang nararamdaman sa isang sikat na social networking site:

 

 

Binabati ng Baliw Balita si Efren Peñaflorida dahil siya ang tinanghal ng CNN bilang 2009 Hero of the Year at siya rin ang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng parangal na ito. Ang programa ni Efren Peñaflorida na “Pushcart Classroom” ang nagsilbing inspirasyon at liwanag para sa mga mahihirap na kabataan na makapag-aral at umiwas sa mga masasamang elemento ng lansangan.

Tinawag ni Anderson Cooper ng CNN sa harap ng tatlong-libong tao sa Kodak Theatre ang pangalan ni Efren Peñaflorida bilang Hero of the Year.

Panoorin ang speech ni Efren Peñaflorida nang tanggapin niya ang parangal mula sa CNN:

“Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors, shapes, and sizes. We are one great tapestry. Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart and be the hero to the next one in need.”

“So to each and every person inside in this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers … you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be. Mabuhay!”

Mahigit sa 2.76 milyon ang bumoto sa CNN Hero of the Year.

Samantala, ipinagako naman ng pamahalaan na hindi na nila pipilitin ang CNN na idaan ang napanalunang premyo ni Efren Peñaflorida sa DSWD.

Posted by baliwbalita at 12:31 am | permalink | comments[2]