Brutal
Thursday, November 26, 200957 people ang patay sa Maguindanao matapos tambangan ng mga armadong grupong pinaghihinalaan na loyal sa mga Ampatuan. Kasama sa mga napatay ay 18 na mamahayag, ang asawa at dalawang kapatid na babae ni Vice Mayor Toto Mangudadatu, mga aides, at mga abugado na natagpuan na pinagbabaril, ginahasa ang ibang mga kakabaihan, pinatay, at saka inihulog sa isang mababaw na hukay sa Maguindanao.
Dapat sana magfifile ng Certificate of Candidacy sa isang electoral office ang asawa ni Mangudadatu dahil kakandidato si Toto Mangudadatu para sa pagka-Gobernador sa darating na halalan laban sa anak ni Gov. Datu Andal Ampatuan na si Mayor Andal Ampatuan, Jr.
Maraming Pilipino ang kinokondena ang karahasan sa Maguindanao at ito na raw ang pinakamarahas na kaganapan na may relasyon sa eleksyon sa Pilipinas. In short, Brutal!
Sa sobrang brutal, sa unang pagkakataon, hindi i-dedeny ng gobyerno ang mga news bulletin tungkol sa pagbiyahe sa Pilipinas na ilalabas ng ibang bansa lalo na sa Mindanao.Tinanggap nga nila ng maluwag sa puso na ang Pilipinas ay dineklara na “Unsafest Place for Journalist in the World”.
Sa sobrang brutal, na-windang ulit ang Lakas-KAMPI-CMD dahil mababawasan na naman sila ng miyembro at problema nila ngayon kung paano magiging kulelat sa Maguindanao ang mga kalaban nila sa darating na eleksyon.
Sa sobrang brutal, napalingat nito ang tao papalayo sa isyu nila Manny, Jinkee, at Krista.
Sa sobrang brutal, headline na naman tayo sa lahat ng international news organizations pagkatapos ng pagkapanalo ni Pacquiao kay Cotto at ang pagiging 2009 CNN Hero of the Year ni Efren Peñaflorida.
Sa sobrang brutal, nasabi ni Gilbert “Gibo” Teodoro “I am well prepared for any political repercussion this expulsion will bring on my presidential campaign.” In short, dahan-dahan nang tinatanggap ni Gibo na maari silang matalo ni Edu.
Sa sobrang brutal, sa matagal na panahon pagkatapos ng Hello Garci! scandal, hindi alam ng gobyerno kung ano talaga ang gagawin nila at kung papaano lulutasin ang krimen na ito. Napabalita kasi na malaki ang utang na loob at kaalyado ni PGMA ang mga Ampatuan. Matataandaan na landslide ang pagpanalo ng LAKAS-CMD noong nakaraang halalan sa Maguindanao.
Ang Baliw Balita ay nanalangin at naniniwala na hindi pababayaan ni Bro ang mga naulila at ang Maguindanao. Naniniwala at nanalig ang Baliw Balita na makakamit ang hustisya ng mga biktima ng massacre sa takdang panahon.
Isang Tanong: The GMA Presidential Forum (Part 1)
Monday, November 23, 2009Naniniwala ako na bilang botante na karapatan natin na makilala at makilatis mabuti ang mga naghahangad na manungkulan sa bayan lalo na ang mga gustong maging Presidente. Panoorin ang show na gawa ng GMA Network na kikilala at kikilatis sa mga 2010 Presidential aspirants. No copyright infringement intended. Isang Tanong: The GMA Presidential Forum is made by GMA Network, Inc. Ang Part 1 ay pinalabas ng GMA Network, Inc. noong November 22, 2009.
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Paano Nga Ba Bumoto Sa 2010?!
Thursday, November 5, 2009Manood para malaman kung paano boboto sa darating na halalan!
Erap, Pacman and Jimmy, Alvin Flores, and Bahay ni PGMA?
Napaulat na gagawa ng commercial ang dating Pangulo na si Joseph Ejercito Estrada bilang pangtapat sa malaking commercial ni Noynoy Aquino. Wala raw mga showbiz personalities na mapapasama sa gagawin niyang commercial. Ayon kay Erap, gusto raw niyang i-highlight ang kanyang accomplishments bilang Pangulo ng Pilipinas sa loob ng 2 1/2 years. Ayon sa aming bakasyunistang chikadora, isasama sa mga video ang pagsasara ng Manila Times, ang Boracay Mansion, at ang paglawak ng juenteng sa buong Pilipinas! Success!
Nag-guest ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa sikat na US TV show na Jimmy Kimmel Live! Ayon sa aming TNT na chikadora, napabalitang masama raw ang loob ni Pacman pagkatapos niyang mag-guest sa show. Bukod daw sa hindi raw pinayagan si Manny na gamitin ang kanyang WOW! Magic Sing, hindi rin pinakanta sa kanya ang kanyang Philippine hit song na “Para Sa Iyo Ang Laban Na Ito.”
Habang bumibirit si Manny Pacquiao ng “Sometimes When We Touch”, napabalitang nainis daw si Ka Freddie Aguilar. Ayon sa isang hindi mapagkakatiwalaang source ng aming chikadorang nagbebenta ng yosi malapit sa restaurant ni Ka Freddie, sinabi ni Ka Freddie na “Alam mo tayong mga Pilipino,pagdating sa gayahan, tayo na ang magaling. Hindi ba tayo puwede kumanta ng sariling atin? Eto na raw ang pangarap nila na makarating sa Las Vegas. Eh, nakarating na sa Las Vegas, ang kinanta kanta pa rin ng mga Kano. Sa palagay mo kung Kano ka, bibilib ka sa mga kumakanta sa entablado? At sa tingin mo kaya, pag kumanta si Manny ng kanta ni Lucio San Pedro sa Jimmy Kimmel mababawasan ang kanyang pagiging magaling na singer?”
Ikinanta ng nahuling miyembro ng Alvin Flores Gang na nagparetoke sa isang doktor sa Antipolo ang lider ng grupo. Ito ang isa sa posibleng angulo kung bakit nahirapang mahuli si Alvin Flores. Matatandaan na ang grupo ni Alvin Flores ang pangunahing suspect sa Rolex robbery sa Greenbelt 5.Bukod daw pinaliit ang mga mata at pagpapatangos ng ilong, nagpalagay pa raw ito ng dimple. Ayon sa aming chikadora na may karelasyon na NBI agent, nagpapasalamat ang NBI kina Dra. Vicky Belo at Dr. Manny Calayan.
On A Serious Note:
Napabalitang nagpatayo di umano ng bahay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Lubao, Pampanga. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, ang pamangkin ni Leonora “Anong” Tiongco ang nagbenta ng lupa kay Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo. Dahil dito, lalong umugong ang balitang tatakbo si PGMA bilang Congressman sa Lubao, Pampanga.
Ang tanong ko lang naman, saan kaya kinuha ang perang pampatayo ng bahay? Totoo bang may mga engineers ng DPWH ang nagsusupervise sa paggawa ng bahay? May white sand at wave pool din ba ito? Donasyon ba ito kay PGMA para kanyang retirement kaya wala pa ito sa kanyang SALN? Sino kaya ang kinuhang interior decorator ni PGMA?
Abangan….
Links:
Visit Philippine Daily Inquirer for full story on Gloria’s House, Say Lubao Folk
Visit Youtube.com for full video on Manny Pacquiao’s guest appearance on Jimmy Kimmel Live!
Visit ABS-CBN News on YouTube.com for full video on Alvin Flores’ plastic surgery
Monthly Archives
Sponsored Links
Tag Cloud
Top Blogs
Tanungan Time!
NetworkedBlogs
Links
Latest Comments
Message Board
There are currently no entries










