BALIW BALITA!

Brutal

Thursday, November 26, 2009

57 people ang patay sa Maguindanao matapos tambangan ng mga armadong grupong pinaghihinalaan na loyal sa mga Ampatuan. Kasama sa mga napatay ay 18 na mamahayag, ang asawa at dalawang kapatid na babae ni Vice Mayor Toto Mangudadatu, mga aides, at mga abugado na natagpuan na pinagbabaril, ginahasa ang ibang mga kakabaihan, pinatay, at saka inihulog sa isang mababaw na hukay sa Maguindanao. 

Dapat sana magfifile ng Certificate of Candidacy sa isang electoral office ang asawa ni Mangudadatu dahil kakandidato si Toto Mangudadatu para sa pagka-Gobernador sa darating na halalan laban sa anak ni Gov. Datu Andal Ampatuan na si Mayor Andal Ampatuan, Jr. 

Maraming Pilipino ang kinokondena ang karahasan sa Maguindanao at ito na raw ang pinakamarahas na kaganapan na may relasyon sa eleksyon sa Pilipinas. In short, Brutal! 

 

Sa sobrang brutal, sa unang pagkakataon, hindi i-dedeny ng gobyerno ang mga news bulletin tungkol sa pagbiyahe sa Pilipinas na ilalabas ng ibang bansa lalo na sa Mindanao.Tinanggap nga nila ng maluwag sa puso na ang Pilipinas ay dineklara na “Unsafest Place for Journalist in the World”.

Sa sobrang brutal, na-windang ulit ang Lakas-KAMPI-CMD dahil mababawasan na naman sila ng miyembro at problema nila ngayon kung paano magiging kulelat sa Maguindanao ang mga kalaban nila sa darating na eleksyon. 

Sa sobrang brutal, napalingat nito ang tao papalayo sa isyu nila Manny, Jinkee, at Krista. 

Sa sobrang brutal, headline na naman tayo sa lahat ng international news organizations pagkatapos ng pagkapanalo ni Pacquiao kay Cotto at ang pagiging 2009 CNN Hero of the Year ni Efren Peñaflorida.

Sa sobrang brutal, nasabi ni Gilbert “Gibo” Teodoro “I am well prepared for any political repercussion this expulsion will bring on my presidential campaign.” In short, dahan-dahan nang tinatanggap ni Gibo na maari silang matalo ni Edu. 

Sa sobrang brutal, sa matagal na panahon pagkatapos ng Hello Garci! scandal, hindi alam ng gobyerno kung ano talaga ang gagawin nila at kung papaano lulutasin ang krimen na ito. Napabalita kasi na malaki ang utang na loob at kaalyado ni PGMA ang mga Ampatuan. Matataandaan na landslide ang pagpanalo ng LAKAS-CMD noong nakaraang halalan sa Maguindanao.

 

Ang Baliw Balita ay nanalangin at naniniwala na hindi pababayaan ni Bro ang mga naulila at ang Maguindanao. Naniniwala at nanalig ang Baliw Balita na makakamit ang hustisya ng mga biktima ng massacre sa takdang panahon.

Posted by baliwbalita at 7:31 pm | permalink | comments[1]