BALIW BALITA!

SONA

Sunday, July 25, 2010

 

Una nang napabalita na umabot daw sa 30 pages ang unang draft ng SONA ni PNoy. Pero ngayon, ito ay binawasan at naging 15 pages na lang daw at maaring tumagal ng 30 minutes. Kaagad naman pinabulaan ni Erwin Lacierda na naawa sila sa dating Pangulo na ngayon ay Congresswoman GMA kaya umigsi ang speech. 

Nakakuha naman ng unofficial na kopya ng unang pahina ng speech para sa SONA ang aming chikadora na nagpapanggap na manikurista ni Bambi Fuentes. Ilalabas na ng Baliw Balita exclusive…Promise!

1.) “Before I start with my speech, I would like to inform everyone that I am wearing Paul Cabral today. I also would like to thank Liz Uy for making me fresh and Dra. Vicky Belo for keeping me young.”

2.) “I just want to say na whatever decision I have come to, it’s not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi ko na “ayaw ko na!” Matagal naming sinubukan. James and I both tried to make this work.”

3.) “Dahil kayo po ang aking boss, pagbibigyan ko po ang inyong kahilingan na ako ay mag-sampol. DJ MOD isa ngang Estudyante Blues!”

4.) “First, I would like to thank Kuya Noy for allowing me to talk about the state of my marriage with James Yap.”

5.) “Before I start my speech, saan ba ang smoking section dito?”

6.) “Gusto ko pong ipaalam sa lahat na kahit gaano ko po kamahal si Shalani, hinding-hindi po ako magpro-propose sa Wowowee.”

7.) “Mr. President, nakikinig po ang publiko sa inyo ngayon. Ito po ang magic mirror, what would you want to say to Filipino people? Before you answer that, magbabalik po ang “The Buzz!”" 

8.) “Sinisigurado po namin na napaka-secure ng lugar na ito ngayon dahil napatupad po ang No ID, No Entry at lahat po tayo ay kinapkapan ng mga security guard. Pasalamatan po natin ang lider ng mga security guard, Congressman Mikey Arroyo!”

9.) “Team Carandang and Team Coloma please step forward. In my hands, I hold the speech I will read in today’s SONA. One of you will be declared the winner, the other must pack their bags and go back to Malacañan.”

10.) “Eto po ang listahan ng mga makakatanggap ng pork barrel. Depende po sa lakas ng inyong palakpak nakasalalay ang inyong budget!”

11.) “Mar, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.”

12.) “Nakaligo na ba kayo sa dagat ng basura? Nag-pasko na ba kayo sa gitna ng kalsada? ‘Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa sa amin?” 

13.) “President Noynoy. Sinabi mo noong inauguration mo na “Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.” Ang tanong ko lang naman eh, naniniwala ba kayo na nagnakaw si PGMA noong siya ay namumuno? Don’t Lie To Me, Mr. President at nakahanda ang back-up dancers ko.”

 

Kinumpirma ni Chavit Singson na ang kanyang anak na si Rep. Ronald Singson ay naaresto at nakakulong sa Hong Kong dahil sa illegal na droga. Kaagad naman na dineny ni Chavit na tumatakbong “Mayor” ang kanyang anak sa presinto.

 

Hindi raw sisipot sa SONA ang dating Pangulo at ngayon at Congresswoman na si Gloria Arroyo. Ayon sa chikadorang driver ng mga Arroyo, di na raw kailangan ni GMA sa Lunes dahil ayaw na raw na maalala ni GMA ang mga masasayang sandali sa Malacañan. Baka raw kasi ma-miss niya. 

Aalis daw si CGMA at Mike Arroyo papuntang Hong Kong dahil kailangan daw ni Mike Arroyo ipagamot ang kanyang aneurysm. In short, magpapalamig lang muna sila. 

 

Posted by baliwbalita at 8:43 pm | permalink | Add comment

Wa-PAC-Man!!!

Monday, November 16, 2009

  
 

Nakuha ng People’s Champ na si Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang ika-7 korona nang mapatumba nito ang reigning welterweight king na si Miguel Cotto. Dahil dito, gumawa na naman ng kasaysayan si Pacman sa boxing. Ayon sa aming chikadorang nagbebenta ng popcorn sa laban ni Manny at Cotto, naghahanda na raw si Pacman sa kanyang susunod at tinuturing na pinakamahirap na laban. Narito ang pagpapalitan ng text ng aming chikadora with Manny Pacquiao:

Chikadora (C): Manny, may susunod ka na bang laban after this?

Manny (M): Oo, actually natatakot at kinakabahan. Dahil medyo malakas ang kalaban.

C: Talaga? Si Floyd Mayweather ba ito?

M: Hindi!

C: Huh? si Governor Dominguez ba ito na maari mong makalaban bilang Congressman sa Sarangani sa 2010?

M: Hindi!

C: Ha? Eh, sino nga?

M: Si Jinky! Nabasa niya kasi yung shoutout ni Gina Alajar sa Facebook tungkol sa amin ni Krista. Eh, sinabi ko na nga sa kanya noon promo lang yun nung Wapakman. Baka i-knockout ako mamaya ni Jinky. Takot ako!

 

Pasok na nga sa kasaysayan ng boxing ang huling panalo ni Manny “Pacman” Pacquiao nang ma-TKO niya si Miguel Cotto. Pero may iilan na taga-suporta ni Miguel Cotto ang gustong i-protesta ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao. Narinig daw kasi nila diumano sa ilang coaching staff ni Manny na gumamit daw si Pacman ng performance enhancing drug kaya ito nanalo. Nang tanungin ng aming chikadorang nagbebenta ng hotdog ang mga taga-suporta ni Cotto kung ano ang kanilang narinig at ito ang sinabi nila:

Taga-Support ni Cotto (translated): Narinig kasi namin, gumamit daw si Manny kaya raw hindi gaanong nakalaban at nakaporma ang Cotto at lagi itong lumalayo kay Manny. Dinig na dinig namin na gumamit daw si Manny ng Head&Shoulders with Zinc yun daw kasi ang panlaban sa matinding Cotto.

  

May matinding Pacquiao showdown daw ang magaganap pagtapos ng Pacman-Cotto fight. Nagkakamali kayo kung ang iniisip niyo at Pacquiao-Mayweather. Ang susunod na showdown ay Pacquiao-Papin Live in Las Vegas! Get your tickets today!

  

Ayon sa mga balita, marami raw ang tumaya para kay Pacman bago ang laban kay Cotto kaya marami rin ang nanalo. Nope, hindi ito yung mga tumaya online at sa Las Vegas, yung mga sponsors ang nanalo dahil umabot ng 12 rounds! Ang laki ng Ricoa sa puwet ni Manny! Everybody happy!

 

Pagkatapos ng laban ni Pacman sa Las Vegas, maraming Pilipino ang nag-react sa kanyang laban. Eto ang iilan sa mga shoutouts ng ilang celebrities:

  
 

 

Dineny ng Commission on Elections (COMELEC) ang party-list accreditation ng grupong Ladlad dahil magiging masamang impluwensya nito sa kabataan. Nang tanungin ng aming chikadora kung sa papaanong paraan naging imoral ang grupo ang tanging sagot ng COMELEC ay:

COMELEC: Wit ko na bet ispluk ang chikang iyan! Dedma na, te! Basta isa silang malaking X-men!

Posted by baliwbalita at 6:17 pm | permalink | Add comment

Ang Commercial ni Noynoy

Friday, October 30, 2009

Noynoy’s Political Ad: Hindi Ka Nag-Iisa

Nakita niyo na ba ang latest na political ad ni Noynoy?!  Bongga ang pagkakagawa ng MTV dahil sa dami ng artista at hindi maiiwasan na isipin…hindi ba ito bagong teleserye ng ABS-CBN? Biruin mo may theme song na inawit ng Asia’s Songbird Regine Velasquez, may setting, cool ang cinematography, at may pass the light effect. Lumipat na ba si Marian at Dingdong at kung lumipat man sila paano na si Karylle? Nasaan si Papa Piolo? Bakit si Bea Alonzo lang at nasaan si Sam at si John Lloyd? Si Kuya Boy ba talaga yun or si Bhoy ng NNNN? 

Okay, so na-establish na natin na ito na ang pinaka-engrande at pinaka-bonggang political ad na nakita natin para sa 2010 elections at sana lang huwag lang gumaya si Noynoy kay Chiz pagkatapos i-launch itong commercial na ito. Magandang panimula para sa kampanya ni Noynoy ang “Hindi Ka Nag-Iisa” dahil unang-una hindi siya nanira o hindi niya tinira ang ibang mga nangangampanya. Pangalawa, maganda ang mensahe ng MTV kung saan tinatawag nito ang call for unity for a positive change at kung magtutulungan daw tayo ay hindi tayo mag-iisa. Bongga!

I’m sure patikim lang itong commercial na ito at marami pang susunod na mga commercial tungkol kay Noynoy ang lalabas. Kung ako ang tatanungin, gusto ko next level na ang commercial. Ayaw ko na siguro makakita ng artista sa susunod na mga commercial. Gusto ko sigurong marining ang mga sumusunod:

1) Ang mga long term and short term plans niya para Pilipinas

2) Ano ang gagawin niya para ma-mobilize ang mga Pilipino tungo sa positive change na hinahangad niya?

3) Mga plano para panagutin ang mga kurakot sa pamahalaan

 Ang ayaw ko na marinig sa susunod niyang mga commercial:

1) Mas malaking suweldo

2) Mas maraming trabaho

3) Wala nang trapik

4) Mas maraming paaralan

5) In short,  mga pangakong napangako na ng ibang pulitiko na napako na. 

Ikaw, ano ang gusto mong makita o ayaw mo makita sa susunod na mga political ads? Mag-react na! Now na!

 

Posted by baliwbalita at 9:31 pm | permalink | comments[2]

Lacson vs. Mancao and Boy Jumps Ship for Noynoy

Tuesday, September 22, 2009

Mancao: Don’t Lie To Me! Aminin!

 Ferdinand Topacio, the lawyer of Cezar Mancao II, dared Sen. Panfilo Lacson to take lie-detector tests. Sen. Lacson has stated that Atty. Topacio and former President Estrada have joined forces to prove that Lacson was to blame for the murders of Salvador “Bubby” Dacer and Emmanuel Corbito.

A Pinoy Churva chikadora received an unofficial and unaccounted statement made by Atty. Topacio while the chikadora was eating fish ball and sago’t gulaman. The statement read: “Magpa-lie detector test na kami para magkaalaman na who is telling the truth. In fact, we have invited to John Lapus to do his Buwis-Buhay dance routine during the tests.”

Oh, Boy!

Boy Abunda has reportedly abandoned the campaign of Sen. Manny Villar for President. Our chikadora also an usisero claims that an audition for a new PR Manager is currently being prepared by the Villar’s camp. Our chikadora has obtained an unofficial list of auditionees for Boy Abunda’s replacement:

1) Lolit Solis
PR Campaign: “Nakita ko si Noy at Mar na magkaholding hands sa may poolside ng Sofitel Hotel.”

2) Cristy Fermin
PR Campaign: “Base sa sinabi ni Ping Lacson mga kaibigan, tahasan ko pong sasabihin na sinungaling na siya ay inconsistent pa.”

3) Jobert Sucaldito
    PR Campaign: “Bet mo ba ang pag-usapan ka dahil sa cucumber?” (I-research!)

4) John Lapus
    PR Campaign: “Bibisita ka sa Showbiz Central, tapos ikakabit ka namin sa lie-detector machine.Tapos pag lie, sasayaw ako.”

5) Mo Twister:
    PR Campaign: “How about you guesting on my radio show? All you have to do is answer these questions:
        a. What is the better TV Station, GMA 7 or ABs-CBN 2?
        b. How old were you when you lost your virginity?
        c. Which senator has the worst B.O.?
        d. Who’s the best kisser in the Senate?
        e. Have you ever hit on your secretary?
        f. Who in the Senate is the most plastic person?
        g. Senators or Celebs you tried flirting with?

6) Willie Revillame:
    PR Campaign: “Mag-guest ka sa Wowowee tapos sabihin natin napadaan ka lang. Tapos yung mga contestants pwede siguro yung staff mo o yung mga makakasama mo sa partido kung gusto mo sa Willie of Fortune para may dagdag na cash prize. Basta may donation na P2 million. Tapos kapag may nag-insert sa staff ko ng ibang kandidato na hindi niyo kasama sa partido, magagalit ako on-air.”

7) Annabelle Rama:
    PR Campaign: “Ay naku Dong! Pag hindi ka nilagay ni Wilma Galvante sa Primetime tatawag tayo ng presscon!”

Posted by baliwbalita at 3:44 pm | permalink | Add comment