BALIW BALITA!

SONA

Sunday, July 25, 2010

 

Una nang napabalita na umabot daw sa 30 pages ang unang draft ng SONA ni PNoy. Pero ngayon, ito ay binawasan at naging 15 pages na lang daw at maaring tumagal ng 30 minutes. Kaagad naman pinabulaan ni Erwin Lacierda na naawa sila sa dating Pangulo na ngayon ay Congresswoman GMA kaya umigsi ang speech. 

Nakakuha naman ng unofficial na kopya ng unang pahina ng speech para sa SONA ang aming chikadora na nagpapanggap na manikurista ni Bambi Fuentes. Ilalabas na ng Baliw Balita exclusive…Promise!

1.) “Before I start with my speech, I would like to inform everyone that I am wearing Paul Cabral today. I also would like to thank Liz Uy for making me fresh and Dra. Vicky Belo for keeping me young.”

2.) “I just want to say na whatever decision I have come to, it’s not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi ko na “ayaw ko na!” Matagal naming sinubukan. James and I both tried to make this work.”

3.) “Dahil kayo po ang aking boss, pagbibigyan ko po ang inyong kahilingan na ako ay mag-sampol. DJ MOD isa ngang Estudyante Blues!”

4.) “First, I would like to thank Kuya Noy for allowing me to talk about the state of my marriage with James Yap.”

5.) “Before I start my speech, saan ba ang smoking section dito?”

6.) “Gusto ko pong ipaalam sa lahat na kahit gaano ko po kamahal si Shalani, hinding-hindi po ako magpro-propose sa Wowowee.”

7.) “Mr. President, nakikinig po ang publiko sa inyo ngayon. Ito po ang magic mirror, what would you want to say to Filipino people? Before you answer that, magbabalik po ang “The Buzz!”" 

8.) “Sinisigurado po namin na napaka-secure ng lugar na ito ngayon dahil napatupad po ang No ID, No Entry at lahat po tayo ay kinapkapan ng mga security guard. Pasalamatan po natin ang lider ng mga security guard, Congressman Mikey Arroyo!”

9.) “Team Carandang and Team Coloma please step forward. In my hands, I hold the speech I will read in today’s SONA. One of you will be declared the winner, the other must pack their bags and go back to MalacaƱan.”

10.) “Eto po ang listahan ng mga makakatanggap ng pork barrel. Depende po sa lakas ng inyong palakpak nakasalalay ang inyong budget!”

11.) “Mar, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.”

12.) “Nakaligo na ba kayo sa dagat ng basura? Nag-pasko na ba kayo sa gitna ng kalsada? ‘Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa sa amin?” 

13.) “President Noynoy. Sinabi mo noong inauguration mo na “Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.” Ang tanong ko lang naman eh, naniniwala ba kayo na nagnakaw si PGMA noong siya ay namumuno? Don’t Lie To Me, Mr. President at nakahanda ang back-up dancers ko.”

 

Kinumpirma ni Chavit Singson na ang kanyang anak na si Rep. Ronald Singson ay naaresto at nakakulong sa Hong Kong dahil sa illegal na droga. Kaagad naman na dineny ni Chavit na tumatakbong “Mayor” ang kanyang anak sa presinto.

 

Hindi raw sisipot sa SONA ang dating Pangulo at ngayon at Congresswoman na si Gloria Arroyo. Ayon sa chikadorang driver ng mga Arroyo, di na raw kailangan ni GMA sa Lunes dahil ayaw na raw na maalala ni GMA ang mga masasayang sandali sa MalacaƱan. Baka raw kasi ma-miss niya. 

Aalis daw si CGMA at Mike Arroyo papuntang Hong Kong dahil kailangan daw ni Mike Arroyo ipagamot ang kanyang aneurysm. In short, magpapalamig lang muna sila. 

 

Posted by baliwbalita at 8:43 pm | permalink | Add comment