BALIW BALITA!

MOVING TO A NEW BLOG SITE

Monday, April 25, 2011

Lumipat na po ang Baliw Balita sa bago nitong bahay. Sundan ang mga nakakatawa at nakakawindang na mga balita sa: http://baliwnews.blogspot.com

Posted by baliwbalita at 2:01 am | permalink | Add comment

HAPPY EASTER 2011

Sunday, April 24, 2011

 

Easter ng CBCP:

Balak ipa-excommunicate ng CBCP ang Easter Bunny. Nalaman kasi ng CBCP na pro-RH bill ang Easter Bunny dahil mahilig daw itong magtago ng itlog.

Easter ni Mikey Arroyo:

Napbalitang kakasuhan daw ng Bureau of Internal Revenue si Mikey Arroyo matapos malamaman  na hindi nag-declare ng tamang bilang ng easter eggs noong nakaraang taon ang naturang Congressman.

Easter ni Sen. Panfilo Lacson:

I-dedemonstrate ni Sen. Lacson ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto ng itlog gamit ang mga recipes na natutunan from Google.com

Easter ni Marlene Aguilar:

Nagwawala habang pinabulaanan ni Marlene Aguilar na nagparty ang kanyang anak na si Jason Ivler kasama ang Easter Bunny sa Quezon City jail.

Easter ni Mr. and Mrs. Ligot:

Nakalimutan daw ng mag-asawang Ligot na Easter daw ngayon. Nang tanungin namin kung bakit nila nalimutan, they decided to invoke their right against self-incrimination.

Easter ni Mai Mislang:

Ayon sa aming chikadorang naka-Blackberry, nabasa niya ang mga tweets ni Mai Mislang. Ayon daw kay Mai Mislang:  “walang poging easter bunny sa Vietnam!”

Easter ni Willie Revillame:

Nasa hot seat nananaman daw ngayon si Willie Revillame at gusto siyang pa-imbestigahan ng MTRCB at ng CHR. May kumakalat kasing YouTube video na pinasasayaw ni Willie ang Easter Bunny ng macho dance habang ito’y umiiyak.

Easter ni Mar Roxas:

Napabalitang pupunta ng Taiwan ang chief troubleshooter na si Mar Roxas para isalba ang relasyon ng Pilipinas ng Taiwan matapos ipadala ang 14 Taiwan eggs sa China.

Easter ni Presidente Noynoy Aquino

Ayon sa mga balita, ayaw daw magparticipate muna ni Presidente Noynoy sa mga egg hunting activities. Mas gugustuhin daw niya kung makaka-date niya ang isa mga Playboy Bunnies habang minamaneho ang kanyang Porsche.

Easter ni Merceditas Gutierrez

Napabalitang hindi raw mag-cecelebrate ng Easter si impeached Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil mag-uumpisa pa lang ang kalbaryo niya sa Senado. 

 

Posted by baliwbalita at 7:37 pm | permalink | Add comment