BALIW BALITA!

Easter Egg Hunt

Sunday, April 4, 2010


 

Ipagpapaliban daw muna ng Lakas-Kampi-CMD ang nationwide easter egg hunt. Abala raw kasi ang naturang partido sa paghahanap sa mga unti-unting mga nawawalang mga miyembro. 

 

 

Isang malaking easter egg hunt ang pinaplano ng partido Liberal para sa taon na ito. Pinaniniwalaan na ang naturang event ay dadaluhan ng maraming artista na may dalang mga sulo sa pangunguna nila Marian Rivera,  Dingdong Dantes, at Kris Aquino.

 

Ipinagyabang naman ni Vice Presidential candidate Jejomar Binay na kung ngayon lang daw nag-uumpisa ang ibang mga kandidato sa egg hunting ay matagal na raw niya itong ginagawa sa Makati. 

 

Hirit #1

Sa hanay ng Nacionalista Party, pangungunahan daw ni Manny Villar ang egg hunting event. Nangako naman si Adel Tamano, Gilbert Remulla, at Alan Peter Cayetano na dodoblehin nila ang itlog na makukuha ni Villar. 

Hirit #2 

Napapabalitang nahirapan daw si Manny Villar na kumuha ng mga participants para sa kanilang egg hunting activity. Ayon kasi sa aming matagal na naligaw na chikadora, itinago raw kasi ang mga itlog sa dagat ng basura. 

 

Nahirapan daw mag-organize si Jamby Madrigal ng easter egg hunt. Dahil sa bukod sa hindi siya kumakain ng itlog, hindi rin niya alam ang presyo ng itlog sa merkado. 

 

Sa hanay naman ni Dick Gordon, napapaulat na hindi raw itlog ang itinago kung hindi sangkatutak na “Kindle”. 

  

Nag-volunteer naman ang anak ni PGMA na si Mikey Arroyo na maging head ng “security” sa lahat ng egg hunting activities. 

 

Nadismaya si dating Pangulong Joseph Estrada nang sumali siya sa easter egg hunt. Akala niya kasi ang Easter Bunny ay dating miyembro ng Playboy Bunnies. 

 

Tinawag naman ng COMELEC na imoral ang Easter Bunny dahil pinapalagap daw nito ang imoralidad dahil ang egg hunting event daw “exposes our youth to the environment that does not conform to the teachings of our faith.” Sinabi rin ng COMELEC na, “As an agency of the government, ours too is the State’s avowed duty under Section 13, Article II of the Constitution to protect our youth from moral and spiritual degradation,”

Posted by baliwbalita at 4:18 pm | permalink | comments[1]