BALIW BALITA!

Erap, Pacman and Jimmy, Alvin Flores, and Bahay ni PGMA?

Thursday, November 5, 2009

 

Napaulat na gagawa ng commercial ang dating Pangulo na si Joseph Ejercito Estrada bilang pangtapat sa malaking commercial ni Noynoy Aquino. Wala raw mga showbiz personalities na mapapasama sa gagawin niyang commercial. Ayon kay Erap, gusto raw niyang i-highlight ang kanyang accomplishments bilang Pangulo ng Pilipinas sa loob ng 2 1/2 years. Ayon sa aming bakasyunistang chikadora, isasama sa mga video ang pagsasara ng Manila Times, ang Boracay Mansion, at ang paglawak ng juenteng sa buong Pilipinas! Success!

  

Nag-guest ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa sikat na US TV show na Jimmy Kimmel Live! Ayon sa aming TNT na chikadora, napabalitang masama raw ang loob ni Pacman pagkatapos niyang mag-guest sa show. Bukod daw sa hindi raw pinayagan si Manny na gamitin ang kanyang WOW! Magic Sing, hindi rin pinakanta sa kanya ang kanyang Philippine hit song na “Para Sa Iyo Ang Laban Na Ito.”

 

Habang bumibirit si Manny Pacquiao ng “Sometimes When We Touch”, napabalitang nainis daw si Ka Freddie Aguilar. Ayon sa isang hindi mapagkakatiwalaang source ng aming chikadorang nagbebenta ng yosi malapit sa restaurant ni Ka Freddie, sinabi ni Ka Freddie na “Alam mo tayong mga Pilipino,pagdating sa gayahan, tayo na ang magaling. Hindi ba tayo puwede kumanta ng sariling atin? Eto na raw ang pangarap nila na makarating sa Las Vegas. Eh, nakarating na sa Las Vegas, ang kinanta kanta pa rin ng mga Kano. Sa palagay mo kung Kano ka, bibilib ka sa mga kumakanta sa entablado? At sa tingin mo kaya, pag kumanta si Manny ng kanta ni Lucio San Pedro sa Jimmy Kimmel mababawasan ang kanyang pagiging magaling na singer?”

 

Ikinanta ng nahuling miyembro ng Alvin Flores Gang na nagparetoke sa isang doktor sa Antipolo ang lider ng grupo. Ito ang isa sa posibleng angulo kung bakit nahirapang mahuli si Alvin Flores. Matatandaan na ang grupo ni Alvin Flores ang pangunahing suspect sa Rolex robbery sa Greenbelt 5.Bukod daw pinaliit ang mga mata at pagpapatangos ng ilong, nagpalagay pa raw ito ng dimple. Ayon sa aming chikadora na may karelasyon na NBI agent, nagpapasalamat ang NBI kina Dra. Vicky Belo at Dr. Manny Calayan.

On A Serious Note:

 

Napabalitang nagpatayo di umano ng bahay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Lubao, Pampanga. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, ang pamangkin ni Leonora “Anong” Tiongco ang nagbenta ng lupa kay Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo. Dahil dito, lalong umugong ang balitang tatakbo si PGMA bilang Congressman sa Lubao, Pampanga.

Ang tanong ko lang naman, saan kaya kinuha ang perang pampatayo ng bahay? Totoo bang may mga engineers ng DPWH ang nagsusupervise sa paggawa ng bahay? May white sand at wave pool din ba ito? Donasyon ba ito kay PGMA para kanyang retirement kaya wala pa ito sa kanyang SALN? Sino kaya ang kinuhang interior decorator ni PGMA?

Abangan…. 

Links:

Visit Philippine Daily Inquirer for full story on Gloria’s House, Say Lubao Folk

Visit Youtube.com for full video on Manny Pacquiao’s guest appearance on Jimmy Kimmel Live!

Visit ABS-CBN News on YouTube.com for full video on Alvin Flores’ plastic surgery

Posted by baliwbalita at 8:33 pm | permalink

Previous Comments

ok lang magpatayo si GMA may pera eh.

Posted by Leonila Inojales at December 4, 2009, 2:22 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment