BALIW BALITA!

Ang Commercial ni Noynoy

Friday, October 30, 2009

Noynoy’s Political Ad: Hindi Ka Nag-Iisa

Nakita niyo na ba ang latest na political ad ni Noynoy?!  Bongga ang pagkakagawa ng MTV dahil sa dami ng artista at hindi maiiwasan na isipin…hindi ba ito bagong teleserye ng ABS-CBN? Biruin mo may theme song na inawit ng Asia’s Songbird Regine Velasquez, may setting, cool ang cinematography, at may pass the light effect. Lumipat na ba si Marian at Dingdong at kung lumipat man sila paano na si Karylle? Nasaan si Papa Piolo? Bakit si Bea Alonzo lang at nasaan si Sam at si John Lloyd? Si Kuya Boy ba talaga yun or si Bhoy ng NNNN? 

Okay, so na-establish na natin na ito na ang pinaka-engrande at pinaka-bonggang political ad na nakita natin para sa 2010 elections at sana lang huwag lang gumaya si Noynoy kay Chiz pagkatapos i-launch itong commercial na ito. Magandang panimula para sa kampanya ni Noynoy ang “Hindi Ka Nag-Iisa” dahil unang-una hindi siya nanira o hindi niya tinira ang ibang mga nangangampanya. Pangalawa, maganda ang mensahe ng MTV kung saan tinatawag nito ang call for unity for a positive change at kung magtutulungan daw tayo ay hindi tayo mag-iisa. Bongga!

I’m sure patikim lang itong commercial na ito at marami pang susunod na mga commercial tungkol kay Noynoy ang lalabas. Kung ako ang tatanungin, gusto ko next level na ang commercial. Ayaw ko na siguro makakita ng artista sa susunod na mga commercial. Gusto ko sigurong marining ang mga sumusunod:

1) Ang mga long term and short term plans niya para Pilipinas

2) Ano ang gagawin niya para ma-mobilize ang mga Pilipino tungo sa positive change na hinahangad niya?

3) Mga plano para panagutin ang mga kurakot sa pamahalaan

 Ang ayaw ko na marinig sa susunod niyang mga commercial:

1) Mas malaking suweldo

2) Mas maraming trabaho

3) Wala nang trapik

4) Mas maraming paaralan

5) In short,  mga pangakong napangako na ng ibang pulitiko na napako na. 

Ikaw, ano ang gusto mong makita o ayaw mo makita sa susunod na mga political ads? Mag-react na! Now na!

 

Posted by baliwbalita at 9:31 pm | permalink

Previous Comments

sobrang panget ng commercial

Posted by john at March 15, 2010, 9:55 am

sana ndi ka lang puro salita… kc sawa na kami sa puro pangako lang…bkit may nagawa ka na ba wala nman ah puro k salita

Posted by john at March 15, 2010, 9:57 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment