BALIW BALITA!

Dear Erap

Thursday, October 22, 2009

Dear Erap,  

May nasagap akong balita. Nagpromise ka raw na ito raw ang huli mong performance. Sabi ko, panahon na siguro para mag-retire ka na. Ang iniisip ko gusto mo nang magpahinga at magbigay ng mas maraming oras sa pamilya mo. Sabi ko sa sarili ko baka suportahan kita dyan sa last mong project dahil mukhang promising at mukhang magiging patok ang script at bongga ang line-up. Nagkamali pala ako.

Akala ko kasi, premiere night yung ginawa mo sa Tondo. Sabi ko, ang aga naman mag-promote ni Erap ng pelikula niya eh medyo may kalayuan pa ang MMFF. Hinahanap ko tuloy sina Ai-Ai, Aling Dionesia, Toni Gonzaga at lalo na si Sam Milby pero ang nakita ko lang ay si Dra. Loi, si Jinggoy, at si Mayor. At nung sinabi mo na tatakbo ka ulit bilang Presidente, ayun nagising ako sa katotohanan. Nalaglag kasi ako sa upuan ko at sinisisi kita sa malaking pasa ko sa pwet.

Dahil sa pag-declare mo na ikaw ay kakandidato ulit bilang panggulo,este, pangulo ng ating bansa, nagbalik sa akin ang ilang mga aral na siguro natutunan din ng ibang Filipino mula sa iyong 2 taong panunungkulan bilang dating Pangulo ng bansa:

1.)
Not all is charisma- Hindi babae si charisma, Erap. Pero aaminin ko, iba talaga ang hatak mo sa masa kapag ikaw na ang humaharap. Kahit paika-ika ka pang lumakad, tumingin ka lang sa camera ay mahuhulog na ang loob ng tao sa iyo. Akala nila kasi ikaw pa rin si Asiong Salonga. Patunay na dyan ang maraming naging karibal ni Dra. Loi sa iyo. Pero dahil sa iyo, natutunan namin na dapat nag-iisip din pala ang iboboto naming pangulo at huwag kaming boboto kung sangkatutak na mga adviser ang mag-iisip para sa iyo.

2.) The pen is mighter than the sword- Kaya nga nasara ang Manila Times at pilit mong ipina-boboycott ang Inquirer ay dahil madalas ka nilang batikusin. Sabi nga ng nanay ko, when there’s smoke, there is flame and when there’s flame something is roasting like chestnuts on an open fire. 

3.) Mahalin mo ang nanay mo-
Seriously, isa ito sa mga matinding natutunan ko sa iyo. Dahil when everything else fails, siya lang ang magmamahal sa iyo. Kahit humaba pa ang ilong mo katulad ni Pinocchio, walang kupas ang pagpapatawad at pagmamahal ng isang ina dahil ang mga itinuturing mo na mga kaibigan ay maaring may tinatago na listahan ng mga hindi mo pagbalato ng mga kubra sa jueteng at pasasabugin na lang sa impeachment hearing.

4.) Keep your friends close and your enemies closer-
dahil baka magising ka isang araw at eto na ang mga eksena- a) the VP is now the President, b) ang dati mong PNP Chief ay nagprepress release tungkol sa mga illegal activities mo, and c) ang BFF mo ay BFF na ng VP mo. Biruin mo trendsetter ka rin pala dahil nauna pa kayo ni Chavit kay Paris Hilton at Nicole Ritchie.Pero naaalala ko may video scandal ka rin na kumalat noon. Hindi nga lang kasing vulgar noong kay Paris at Hayden pero naaalala ko ang eksena ay naglalaro ka sa casino o nagsusugal habang ikaw ay nakaluklok na Presidente ng bansa.

5.) Be a liver lover, boy!- Nakakasama raw sa atay ang malakas na pag-inom lalo na kapag madalas kang uminom tuwing madaling araw kasama ng ilang sa iyong mga cabinet members and advisers. Nakakasama rin ang labis na pag-inom dahil nauuwi ito sa pagkalasing at pagbroadcast ng mga maiinit na chismis na dapat ikaw lang ang nakakaalam.

6.) Hindi lahat ng white sand maganda- hindi pa uso ang wave pool noon, pero salamat sa iyong Boracay mansion at pag-expose ni Karen Davila habang nakasakay sa chopper nakita namin na bongga pala ang wave pool lalo na kapag napapaligiran ito ng white sand. At dahil sa iyo, pumutok ang mga 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, at infinity pools sa mga resorts sa Pilipinas at siyang paboritong tambayan ng mga Pinoy tuwing summer. Pero ang tanong, saan nga ba nakuha ang perang pampagawa ng Boracay mansion na ibibigay mo lang kay Laarni?

7.) May mga hidden talents pala ang mga Senators-  nang dahil sa isang mahiwagan envelope na ayaw mong pabuksan na-realize ko na marami palang fall back ang mga Senators kapag natalo sila sa eleksyon. Si Tessie Oreta pwede pala maging dancing diva at si Loren Legarda ang next teleserye princess ang leading man niya ay si Franklin Drilon dahil effective sila umiyak sa TV. 

8.) You need to have faith with the justice system- dahil na-convict ka sa kasong plunder at kahit papaano naniniwala ako na kumikilos pa rin ang kamay ng hustisya kahit kinakalawang na ito. Iniisip ko tuloy, kapag nanalo ka ba ipapakulong mo rin ba si GMA at bibigyan mo rin ng pardon tapos tatakbo ulit si Gloria bilang Pangulo tapos ipakukulong ka niya ulit tapos ipapardon ka niya tapos tatakbo ka ulit tapos…ah ewan!

Erap, you had the chance to prove yourself to the Filipino people that you can be a “President” who can lead us to better times and to a better life. Ang problema sinayang mo ang mga pagkakataon na dumating sa iyo. Hindi ikaw ang dapat mag-tama ng mga mali ng nakaraang administrayon dahil wala kang moral compass to correct whatever needs to be changed. Hindi ka lang sa alak nalasing kung hindi pati sa kapangyarihan ng pagiging isang Pangulo ng bansa sampu ng iyong cabinet members at advisers. Also,  you can never be a Ronald Reagan because you are not Ronald Reagan. Erap, you have to realize that you are better off as King of the Masses in Philippine Cinema than President of the Filipino people. Tama na. It’s time to retire from politics and just start promoting Ang Tanging Pamilya.

Labis na gumagalang sa iyong pag-aartista at hindi sa iyong pagiging pulitiko,

 Baliw Balita

(Courtesy note: Image from the book The Fall of  Joseph Estrada by Amando Doronila)

Posted by baliwbalita at 12:33 pm | permalink

Previous Comments

BRAVO!!!

Posted by Deirdrou Didu at October 22, 2009, 1:41 pm

nice. i agree.

Posted by wushu at December 13, 2009, 5:35 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment